20,741 bagong mga kaso ng Covid-19, naitala ngayong araw ng DOH

Umabot na sa 157,646 ang aktibong kaso ng COVID 19 sa bansa sa kasalukuyan.

Ito’y matapos na makapagtala ang Department of Health ng 20,741 bagong kaso ng COVID 19 sa bansa, habang 21,962 ng naitalang bagong gumaling.

May 189 namang naitalang bagong nasawi dahil sa virus, kaya umabot na sa 34,062 pa rin ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID 19.

Sa ngayon ay 2,061,084 ang kabuuang naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa habang 1,869,376 naman ang kabuuang bilang ng mga nakarekober na.

Madz Moratillo

Please follow and like us: