DOH, nakapagtala ng 6,812 panibagong mga kaso ng Covid-19; Bagong mga gumaling naitala naman sa 2,867

Umaabot na sa 55,293 ang aktibong kaso ng COVID 19 sa bansa sa kasalukuyan.

Ito’y matapos makapagtala ang Department of Health ng 6,812 na bagong kaso ng COVID 19 sa bansa, habang 2,867 naitalang bagong gumaling.

May 116 naitalang bagong nasawi dahil sa virus, kaya’t umabot na sa 24,152 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID 19.

Sa ngayon ay nasa 1,385,053 ang kabuuang naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa habang 1,305,608 naman ang kabuuang bilang ng mga nakarekober na.

Madz Moratillo

Please follow and like us: