Mahigit 6,000 bagong kaso ng Covid-19, naitala sa bansa ngayong Huwebes

Umaabot na sa 51,410 ang aktibong kaso ng COVID 19 sa bansa.

Ito’y matapos na makapagtala ang Department of Health ng 6,043 na bagong kaso ng COVID 19 sa bansa, habang 4,486 ang naitalang bagong gumaling.

May 108 naitalang bagong nasawi dahil sa virus, kaya’t umabot na sa 24,036 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID 19.

Sa ngayon ay 1,378,260 ang kabuuang naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa habang 1,302,814 naman ang kabuuang bilang ng mga nakarekober.

Madz Moratillo

Please follow and like us: