DOH nakapagtala ng 6,831 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa

Nakapagtala ang Department of Health ng 6,831 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Dahil rito, pumalo na sa 1,178,217 ang kabuuang kaso ng COVID 19 sa bansa.

Sa bilang na ito, 54,326 naman ang aktibong kaso.

May 7,981 naitalang bagong gumaling mula sa COVID 19.

Sa ngayon, umabot na sa 1,103,945 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa virus.

May 183 namang naitalang bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon, umabot na sa 19,946 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID 19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: