DOH nakapagtala ng 6,258 bagong mga kaso ng Covid-19

Nakapagtala ang Department of Health ng 6,258 bagong kaso ng COVID 19 sa bansa.

Dahil rito, pumalo na sa 1,171,403 ang kabuuang kaso ng COVID 19 sa bansa.

Sa bilang na ito, 55,531 ang aktibong kaso.

Samantala, may 2,586 naitalang bagong gumaling mula sa COVID 19.

Kaya sa ngayon, umabot na sa 1,096,109 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa virus.

May 141 namang naitalang bagong nasawi dahil sa virus kaya umabot na sa 19,763 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa virus infection.

Madz Moratillo

Please follow and like us: