DOH nakapagtala ng 9,628 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa

Nakapagtala ang Department of Health ng bagong 9,628 bagong kaso ng COVID-19.

Dahil rito, umabot na sa 945,745 ang kabuuang kaso ng COVID- 19 sa bansa.

Pero sa bilang na ito, 141 375 ang aktibong kaso.

May 9,266 namang naitalang bagong gumaling mula sa sakit.

Sa ngayon, umabot na sa 788,322 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.

May 88 namang naitalang bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon, umakyat na sa 16,048 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: