DOH nakapagtala ng 7,379 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa

Nakapagtala ang Department of Health ng 7,379 na bagong kaso ng COVID-19.

Dahil rito, umabot na sa 953,106 ang kabuuang kaso ng COVID- 19 sa bansa.

Habang umabot na sa 809,959 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.

May 93 namang naitalang bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon, umakyat na sa 16,141 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

DOH update

Please follow and like us: