DOH nakapagtala ng mahigit 4,000 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa

Nakapagtala ang Department of Health ng 4,700 bagong kaso ng COVID 19 sa bansa.

Dahil rito, pumalo na sa 1,159, 071 ang kabuuang kaso ng COVID 19 sa bansa.

Sa bilang na ito, 49,951 naman ang aktibong kaso.

May 6,986 naitalang bagong gumaling mula sa COVID 19.

Sa ngayon, umabot na sa 1,089,613 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa virus.

May 136 namang naitalang bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon, umabot na sa 19,507 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID 19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: