DOH nakapagtala ng mahigit 6,000 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa

Nakapagtala ang Department of Health ng 6,100 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Dahil rito, pumalo na sa 1,165,155 ang kabuuang kaso ng COVID 19 sa bansa.

Sa bilang na ito, 51,912 naman ang aktibong kaso.

May 4,071 naitalang bagong gumaling mula sa COVID -19.

Sa ngayon, umabot na sa 1,093,602 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa virus.

May 135 namang naitalang bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon, umabot na sa 19,641 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID -19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: