DOH nakapagtala ng mahigit 6,000 bagong kaso ng Covid-19

Nakapagtala ang Department of Health ng 6,426 bagong mga kaso ng COVID 19 sa bansa.

Dahil dito, umabot na sa 1,322,053 ang kabuuang kaso ng COVID 19 sa bansa.

Sa bilang na ito, 59,096 ang aktibong kaso.

Mayroon namang 7,145 naitalang bagong gumaling mula sa COVID 19.

Sa ngayon, umabot na sa 1,240,112 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa virus.

May 57 namang naitalang bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon, umabot na sa 22,845 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID 19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: