DOH nakapagtala ng mahigit 5 libong bagong kaso ng Covid-19 sa bansa

Umaabot na sa 58,063 ang aktibong kaso ng COVID 19 sa bansa sa kasalukuyan.

Itoy matapos na makapagtala ang Department of Health ng 5,389 na bagong kaso ng COVID 19 sa bansa.

Habang 6,667 naman ang naitalang bagong gumaling at may 118 naitalang bagong nasawi dahil sa virus.

Dahilan kaya umabot na sa 22,963 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID 19.

Sa ngayon ay 1,327,431 ang kabuuang naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa habang 1,246,405 naman ang kabuuang bilang ng mga nakarekober .

Madz Moratillo

Please follow and like us: