DOH nakapagtala ng panibagong record-high na 8,773 bagong kaso ng Covid-19 ngayong araw

Nakapagtala ang Department of Health ng panibagong record high na bagong kaso ng COVID-19 na nasa 8,773.

Dahil rito, umakyat na sa 693, 048 ang kabuuang bilang ng COVID- 19 cases na naitala sa bansa.

Sa bilang na ito, 99, 891 ang aktibong kaso.

Mayroon namang 574 na naitalang bagong gumaling mula sa virus.

Dahil rito, umabot na sa 580, 062 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.

May 56 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon umabot na sa 13, 095 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: