Mahigit 8 libong bagong COVID- 19 cases sa bansa naitala

Muling nakapagtala record high na bagong kaso ng COVID- 19 cases ang Department of Health na nasa 8,019.

Dahil rito, umakyat na sa 671,792 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases na naitala sa bansa.

Sa bilang na ito, 80,970 ang aktibong kaso.

Mayroon namang 103 na naitalang bagong gumaling mula sa virus.

Dahil rito, umabot na sa 577,850 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa bansa mula sa COVID-19.

May 4 naman na bagong nasawi dahil sa virus.

Sa ngayon umabot na sa 12,972 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa bansa dahil sa COVID-19.

Madz Moratillo

Please follow and like us: