DOH nakapagtala ng mahigit anim na libong bagong kaso ng COVID-19 sa bansa

Nakapagtala lamang ng 6,346 kaso ng COVID- 19 sa bansa nitong nakaraang linggo.

Sa datos ng DOH, mula October 31 hanggang November 6, nasa 907 ang daily average cases.

Mas mababa ito ng 30% kaysa noong October 24 hanggang 30.

May 2 bagong kaso naman ng severe at kritikal ang naitala habang may 243 nadagdag na nasawi.

Pero sa bilang na ito, 3 lang ang nasawi ngayong November, 37 noong October,2 noong September, 58 noong June, 90 noong May ng 2021, 40 noong April, at 13 noong March.

Madelyn Villar-Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *