Health Insurance para sa  Public School Teachers isinusulong sa Kamara matapos ang Bataan bus accident

Itinutulak sa mababang kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas na magbibigay ng health insurance sa  Public School Teachers.

Matapos maganap ang madugong bus accident sa bataan na kinasangkutan ng mga teacher mula sa Quezon city.

Umapela si Congressman Patrick Michael Vargas sa kanyang mga kasamahan sa kamara na suportahan ang kanyang House bill 4074 o Health care insurance for Public School Teachers bill.

Sinabi ni Vargas na nakapaloob sa kanyang panukalang batas ang pagtatatag ng Health maintenance organization na kinikilala ng mga hospital sa buong bansa.

Ayon kay Vargas panahon na para bigyan ng kasiguruhan ang kalusugan ng mga Public School Teachers na humuhubog sa kaisipan ng mga kabataan.

Inihayag ni Vargas na nakakalungkot ang nangyaring aksidente sa Orani Bataan na ikinamatay ng isang guro at ikinasugat ng malubha ng maraming iba pa nang mahulog sa bangin ang kanilang sinasakyang bus matapos dumalo sa isang seminar sa Sinagtala resort sa Orani Bataan.

Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *