DOH, nakapagtala ng panibagong 5,803 kaso ng Covid-19; Bagong mga nakarekober, naitala naman sa 7,652

Ngayong Linggo, June 20, 2021 ay nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng karagdagang 5,803 kaso ng Covid-19.

Dahil dito, umakyat na sa 1,359,015 ang kabuuang kaso ng Covid-19 sa bansa.

Samantala, may naitala namang panibagong 7,652 na mga gumaling sa karamdaman kaya pumalo na sa 1,277,715 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa virus infection.

Habang may 84 naman na bagong mga pumanaw kaya ang death toll ng bansa sa Covid-19 ay naitala sa 23,621.

Please follow and like us: