DOH pinag iingat ang publiko sa pagkain ng street foods

Patuloy ang pagdami ng street foods sa mga lansangan at ito ay tinatangkilik ng publiko dahil bukod sa mura ay mabilis itong pamatid gutom at uhaw.

Kaugnay nito, nagbabala ang Department of Health sa publiko na mag ingat sa mga binibiling street foods lalo  na ang  sa malamig,  nilagang mais, adobong mani, siomai, kwek kwek, tokneneng,  at maraming iba pa.

Ayon sa DOH, kahit maliliit na pagkain ang mga nabanggit,  mahalagang malinis ang naging paghahanda bago ito lutuin.

Inihalimbawa ngDOH ang itlog na ginagawang kwek-kwek, tokneneng at iba na paboritong kainin ng maraming Pilipino.

Sinabi ni Doh Assec Eric Tayag na ang itlog ay isang medium ng mga bacteria at prominente dito ang bacteria na maaaring maging panganib sa kausugan na hahantong sa isang seryosong gastroenteritis.

Aminado din ang DOH na mahirap talagang i monitor ang street foods kung kaya iniisip nila ang paglalagay ng regulasyon at pamantayan na maaaring ipatupad ng lahat ng LGU’s.

Maaari ring bigyan ng terminal ang mga street vendor.

Ulat ni: Anabelle Surara

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *