DOLE, aminadong hindi kakayaning itaas sa ₱750 ang minimum wage sa Metro Manila

Aminado ang Department of Labor and Employment  na hindi madaling itaas sa ₱750 ang minimum wage sa Metro Manila gaya ng hinihiling ng labor groups.

Una nang sinabi ng grupong Migrante na kapag itataas ang sahod sa bansa ay aabot sa 33 percent o mahigit 200,000 na Overseas Filipino Workers ang hindi na mangingibang bansa.

Pero ayon kay DOLE  Sec. Silvestre Bello III, hindi basta-bastang itaas ang sahod ng mga manggagawa dito sa Pilipinas.

Dahil dito, patuloy  ang kanilang paghikayat sa mga investor na mamuhunan sa bansa para makalikha nang mas maraming trabaho para sa mga Filipino.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *