Mataas na approval rating ni Pang. Duterte sa Pulse Asia survey isang kabiguan sa oposisyon na nagnanais ibagsak ang administrasyon ayon sa Malakanyang

Nagpasalamat ang Malakanyang sa publiko sa patuloy na tiwalang ipinagkakaloob  kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ginawa ng Palasyo ang pagpapa-abot ng pasasalamat sa mamamayan kasunod ng resulta ng Pulse Asia survey dahil nananatiling mataaas ang approval rating ng Chief Executive at  pinaka-pinagkakatiwalaang opisyal ng gobyerno.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella ang tiwalang ipinagkakaloob ng nakararaming Pilipino sa Pangulo ay kahayagan din na tama ang tinatahak ng administrasyon sa tinatarget nitong nation building.

Sa kabilang banda naman itinuturing ni Abella na isang kabiguan para sa mga kritiko ng Pangulo ang survey result sa gitna ng pagsisikap na mapahina ng  oposisyon ang suporta ng tao sa administrasyon.

Sa pinakahuling Pulse Asia survey nakapagtala ang Pangulo ng 78 percent approval rating samantalang 58 percent lamang ang nakuha ni Vice President Leni Robredo.

Ulat ni: Vic Somintac

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *