DOLE aminadong may contractual employees din sa kanilang kagawaran

Kinumpirma mismo ni Labor Secretary Silvestre Bello III na may kontrakwalisasyon sa loob mismong ng Department of Labor and Employment.

Sa budget hearing,  Sinabi ni Bello na 686 na empleyado ng DOLE ang naka job order.

Kinuwestyon ng mga kinatawan ng Makabayan Bloc kung walang balak ang DOLE na i-regular ang mga ito.

Pero paliwanag ni Bello, kung pwede lang ay gagawin nila ito subalit problemado sila sa pondo.

Samantala,  humihingi naman ang DOLE ng dagdag pondo.

Para makapag hire ng dagdag na Labor Laws Compliance Officer para mabantayan ang pagsunod ng mga negosyante sa anti-endo policy.

sa ngayon, mahigit limang daan lamang ang LLCO ng DOLE pero kailangan nito ng dagdag na  dalawang libo pa dahil mahigit sa siyamnaraang libong establisiyento ang kanilang binabantayan.

Ulat ni: Madelyn Villar – Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *