Malakanyang ikinalungkot ang pagbasura ng Commission on Appointments ni DSWD Secretary Judy Taguiwalo

Walang magawa ang Malakanyang kung hindi tanggapin ang desisyon ng makapangyarihang Commission on Appointments o CA kay Department of Social Welfare and Development o DSWD Secretary Judy Taguiwalo.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na ikinalulungkot ng Malakanyang ang pagbasura ng CA sa appointment ni Taguiwalo.

Inihayag ni Abella na nakapanghihinayang si  Taguiwalo dahil ginampanan niya ang kanyang tungkulin para sa kapakanan ng publiko.

Ayon kay Abella naghahanap na si Pangulong Rodrigo Duterte ng ipapalit kay Secretary Taguiwalo sa DSWD.

Si Secretary Taguiwalo ang ikatlong cabinet appointee ni Pangulong Duterte na ni-reject ng CA na kinabibilangan nina dating DFA Secretary Perfecto Yasay at DENR Secretary Gina Lopez.

Ulat ni: Vic Somintac

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *