DOLE magpapalabas na ng kautusan na nagpapahintulot sa mga saleslady na huwag magsuot ng high heels

Ilalabas na ngayong araw ng  Department of Labor and Employment ang department order na nagbabawal sa mga commercial establishments na obligahin ang kanilang mga saleslady na magsuot ng high heels.

Ito ang inanunsyo ni Labor Secretary Silvestre Bello III kasabay ng pagdalo nito sa job fair ng Iloilo City government na  may kaugnayan sa 80th Charter Day ng lungsod.

Ayon sa kalihim, sa ilalim ng naturang kautusan, malaya na ang mga saleslady na magsuot ng flat shoes.

Sinabi ni Bello na nakakaawa ang kalagayan ng mga saleslady na hirap sa mahabang oras na pagtayo habang nakasuot pa ng high heels.

Samantala, muli namang binalaan ni Bello ang mga employer na hindi pa rin itinitigil ang pagkuha sa mga contractual employees.

Magsasagawa ng inspeksyon ang DOLE sa mga establishment upang matiyak na sinusunod ito ng mga employer.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *