DOLE magpapatupad ng emergency employment sa Marawi City

Nakatakdang magpatupad ng emergency employment ang Department of Labor and Employment sa Marawi City sakali na matapos na ang bakbakan at masimulan na ang rehabilitasyon sa siyudad.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III hindi kalakihan ang bilang ng mga manggagawa sa Marawi City na naapektuhan ng labanan.

Sinabi ni Bello na marami silang puwedeng ialok na oporunidad kapag  nasimulan na ang rehabilitasyon ng Marawi.

Samantala, nakapagpadala na rin ng financial assistance ang ahensya ng tatlong libong piso gayundin ang relief goods sa mga apektadong residente ng Marawi City.

Ulat ni: Earlo Bringas

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *