DOLE Sec. Bello, nasa UAE para tulungan ang OFW na nahaharap sa parusang kamatayan

Makikipag-usap sa labor minister ng United Arab Emirates si Labor Secretary Silvestre Bello III para maisalba ang buhay ng pinay OFW na si Jennifer Dalquez sa parusang kamatayan.

Si Bello ay nasa Abu Dhabi para sa nasabing pagpupulong.

Kasama sa inaasahang pagpupulungan nina Bello at ng labor minister ng UAE ay ang pag-aalok ng blood money.

Ayon kay Bello,  hindi natuloy ang pagpapalabas ng korte sa Abu Dhabi ng desisyon sa apela ni Dalquez na siya ay mapawalang sala at naipagpaliban ito sa  March 27.

Si Dalquez ay hinatulan ng parusang kamatayan  noong 2015 matapos na mapatay ang kaniyang among lalaki.

Pero katwiran ng pinay ipinagtanggol lang niya ang sarili dahil tinangka siyang pagsamantalahan ng kanyang amo.

Ulat ni: Moira Encina

Please follow and like us: