DPWH, may flood control project sa Maynila ngayong linggo

Sasamantalahin ng DPWH ang long holiday ngayong linggo para maumpisahan ang food control project sa lungsod ng Maynila.

Ayon kay DPWH-NCR Director Melvin Navarro, simula sa April 12, Miyerkules ay isasara muna sa trapiko ang northbound direction ng Bonifacio Drive corner P. Burgos Street sa Port Area, Maynila.

Ito ay dahil sa pagkakabit ng malalaking mga drainage structure para maibsan ang pagbaha sa paligid ng Manila City Hall.

Bubuksan  ang Northbound direction ng Bonifacio Drive sa April 17, Lunes kung kailan inaasahang tapos na ang pagkakabit ng istruktura

Gagawin din sa Southbound direction ng nasabing kalsada ang kaparehong aktibidad sa tatlong magkakasunod na weekend na magsisimula sa April 22 hanggang sa May 9.

Ito ay mula ala syete ng umaga ng Sabado hanggang Martes, alas otso ng umaga.

Ayon sa DPWH, ang proyekto ay nagkakahalaga ng 62.7 million pesos.

Ulat ni: Moira Encina

Please follow and like us: