Pick-up at kotse, nagsalpukan sa Roces Avenue Quezon City

Nakabaligtad at wasak ang likurang bahagi ng Estrada pick up habang wasak naman ang harapang bahagi ng Innova sa  nangyaring aksidente sa intersection ng Roces Avenue sa Quezon City.

Tatlo ang sakay ng Innova at tatlo din sa Estrada pick up.

Isinugod agad sa ospital ang isang sakay ng Estrada pick up na sugatan, at kinilalang si Anne Pamintuan 30, years old asawa ng driver ng Estrada pick up dahil sa naging pinsala nito.

Ayon sa isang saksi nag-dire diretso ang Innova sa pagbaybay nito hanggang sa intersection at medyo mabilis ang takbo nito kaya nadali nito ang Estrada pick up at sa lakas ng impact tumilapon ito at bumaligtad.

Ayon sa tanod volunteer sa lugar na nakaduty ng mga oras na iyon itinawag sa kanila ng isang concern citizen ang nangyaring aksidente kayat agad nila itong narespondehan.

Ayon sa drayber ng pick up mukhang nakaiinom ang drayber ng Estrada ng humarap ito sa kanya matapos ang aksidente.

Todo tanggi at depensa naman ang drayber ng pick up.

Samantala, isinailalim naman sa alcoholic test ang drayber ng Innova at mga kasama nitong sakay para malaman kung nakaiinom nga ang mga ito.

Ulat ni : Earlo Bringas

 

Please follow and like us: