Estados Unidos at Australia, naglabas ng advisory matapos ang Resorts World incident

Matapos ang madugong insidente sa Resorts World Manila, nagpalabas na ng advisory ang US at Australia sa kanilang mga mamamayan.

Batay sa advisory, pinapayuhan ang lahat ng Australian citizen na magign alerto bunsod ng malaking banta umano ng terorismo sa Pilipinas.

Pinaalalahanan din ng Australia ang kanilang mga mamamayan na nasa Pilipinas na sumunod sa mga ipinag-uutos ng mga kinauukulan at maging updated sa mga kaganapan sa bansa.

Una nang nagpalabas ng advisory ang Estados Unidos kaugnay sa nasabing insidente.

Samantala, pinawi naman ng militar ang pangamba at kaugnayan ng terorismo sa Resorts World incident.

Sinabi ni Armed Forces of the Philippines Spokesperson Brig. General Restituto Padilla, walang kaugnayan sa Isis o anumang terrorist group ang suspek sa panununog sa Resorts World.

Kasabay nito, umakyat na sa 37 katao ang namatay sa insidente kabilang na ang gunman habang nasa 54 naman ang naitalang sugatan.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *