Mahigpit na seguridad, ipinatutupad sa buong Malacañang complex kasunod ng kaguluhan sa Resorts World Manila

Doble higpit ng seguridad ang ipinatutupad sa buong Malakanyang complex matapos ang  naganap na kaguluhan sa Resorts World Manila sa lungsod ng Pasay kaninang madaling-araw.

Isinara ng mga kagawad ng Presidential Security Group o PSG ang lahat ng gate ng Malakanyang at ang tanging pinapapasok sa parking area ay mga sasakyan lamang ng mga cabinet officials.

Ang mga taong papasok sa Malakanyang complex ay obligadong magpresenta ng Identification Card sa mga kagawad ng PSG.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, hinihintay na lamang ng Pangulong Duterte ang resulta ng imbestigasyon kung ito ay may kinalaman sa terrorismo.

Inihayag naman ni National Security Adviser Secretary Hermogenes Esperon Jr. na hindi isinasantabi ng gobyerno ang anggulong may kaugnayan sa terrorismo ang naganap sa Rosorts World Manila na posibleng spillover ng gulo sa Marawi City na kinasasangkutan ng Maute group at ISIS.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *