Estrella-Pantaleon bridge sa January 2019 na lang isasara

 

Ipinagpaliban sa susunod na taon ang pagsasara ng Estrella-Pantaleon bridge na nagdudugtong sa Makati city at Mandaluyong city.

Sa liham na ipinadala ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Metro Manila Development Authority (MMDA) ,  ikinunsidera ang pangamba ng business sector na magdudulot ito ng economic loss lalu pa’t paparating na ang holiday season.

Hindi tinukoy sa liham kung anong negosyo ang maaapketuhan, gayunman, ang naturang tulay ay nakadugtong sa Rockwell na maliban sa Powerplant mall ay mayroon ding residential condominiums.

Nakasaad sa liham na sa unang linggo na lang ng Enero ipatutupad ang closure at uumpisahan ang proyekto na kapapalooban ng pagpapalapad sa kalsada na mula sa dalawang linya ay gagawing apat na linya.

Humingi rin ng paumanhin ang DPWH sa MMDA sa agarang pagbabago sa plano.

 

==============

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *