Exploratory talks sa posibleng pagdaraos ng VFA ng Pilipinas at Japan,maaaring masimulan na

Maaaring masimulan na ang exploratory talks ng Pilipinas at Japan para sa posibleng pagdaraos ng Visiting Forces Agreement.

Ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri hinikayat niya si Pangulong Bongbong Marcos na ilatag ang isyu sa pakikipagpulong kay Japan Prime Minister Kishida Fumio.

Si Zubiri ay kasama sa delegasyon ng Pangulo sa state visit sa Japan.

Bagamat wala pa aniyang pormal na pag- uusap ang dalawang bansa tungkol sa VFA,magandang pagkakataon ang meeting ng dalawang lider para simulan ang exploratory talks.

Sinabi ni Zubiri na natalakay niya na ito noon sa embahador ng Japan na una nang nag- alok ng suporta para sa Philippine Coast Guard, hindi lang sa pagbibigay ng mga sasakyang pandagat at mga kagamitan, kundi maging sa pagbabahagi ng kanilang kaalaman sa pamamagitan ng training at pagtugon sa mga kalamidad.

Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *