Hakbang ng DMW na magpatupad deployment ban suportado ni Senador Go

Sinusuportahan ni Senador Christopher ‘Bong’ Go ang hakbang ng Department of Migrant Workers na magpatupad ng deployment ban sa bagong domestic workers sa Kuwait.

Pero kailangang tiyakin ayon sa Senador na hindi maapektuhan ng ipinatutupad na ban sa mga Pinoy na kasalukuyang nagtratrabaho sa naturang na maayos naman ang kalagayan.

Kung rerepasuhin din aniya ang mga umiiral na patakaran dapat matiyak na mapangalagaan ang kapakanan ng mga Overseas Filipino Worker na bagong sasabak sa trabaho sa Kuwait.

Paalala ni Go, trabaho ng Department of Migrant Workers na protektahan ang karapatan ng mga mangagawang Pinoy.

Nakapanlulumo aniya na may OFWs na nasasaktan at nagbubuwis ng buhay samantalang nais lang nilang mabigyan sana ng magandang buhay ang kanilang pamilya.

Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *