Failure of Election, posibleng ideklara sa isang Barangay sa Northern Samar

 

Isang barangay lamang sa buong bansa  ang hindi natuloy ang Barangay at Sangguniang Kabataang (SK) elections.

Sinabi ni Comelec acting chairman Al Parreño na sa ngayon ay pinag-aaralan nila kung kailangan bang ideklara ang failure of election sa isang barangay sa Northern Samar.

Ayon kay Parreño, hindi pa nila alam ang kabuuang detalye tungkol sa naturang barangay , dahil nasa liblib itong lugar.

Paglilinaw pa ni Parreño, bagaman posibleng ideklara ang failure of election sa naturang barangay,  hindi pa muna nila ito inaanunsyo,.

Dagdag ni Parreño, titiyakin muna ng Comelec kung hindi ba talaga natuloy ang halalan bago isiwalat ang buong detalye ukol dito.

 

==============

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *