Filing ng ITR deadline na ngayong araw – BIR

Mananatili ang deadline ngayong araw  sa pagpa-file ng ITR o Income Tax Returns.

Ayon ito kay BIR o Bureau of Internal Revenue Commissioner Caesar Dulay na nagsabi pang i-aaccommodate ang mga taxpayer na nasa paligid o vicinity ng BIR offices hanggang mamayang alas-5:00 ng hapon.

Tiwala naman si Dulay na makukuha ng BIR ang target nitong halos 2 trillion pesos na koleksyon sa buwis ngayong taon.

Una nang iniurong ang deadline ng filing ng ITR na April 17  mula sa April 15.

Please follow and like us: