Finland, ikinukunsiderang lugar kung saan magpupulong sina Trump at Putin

Posibleng sa Helsinki  na capital ng Finland , gawin ang pulong nina US President Donald Trump at Russian President Vladimir Putin.

Pero sinabi ni White House National Security adviser John Bolton na magdedepende pa at isasapinal pa ang lugar kapag natapos na ang pagbisita ni Bolton sa Moscow ngayong linggo.

Una ng napili ang Vienna sa Austria subalit ito ay tinanggal na ng US.

Magugunitang nagkaroon ng tsansa na magkita sina Putin at Trump noong Nobyembre sa Vietnam sa ginanap na Asia-Pacific summit.

 

===============

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *