Flyover sa Talisay City, pansamantalang isasara para sa retrofitting – DPWH

Inanunsyo ng Department of Public Works and Highways sa Central Visayas ang pagsasara ng flyover sa Barangay Tabunok , Talisay City mula June 9 hangang 22 para sa retrofitting.

Inaasahan na aabot ng 14 na araw ang pagsasaayos ng flyover ayon sa PLD Construction.

Ang pagsasara ng Tabunok Flyover ay sinabay sa paghahanda sa konstruksyon ng underpass sa intersection ng N. Bacalso at F. Llamas Street.

Posibleng simulan ang paggawa sa underpass ngayong Biyernes kaya’t asahan na ang mabigat na daloy ng trapiko.

Ulat ni: Carl Marx Bernardo

 

Please follow and like us: