General Emilio Aguinaldo Cavite Mayor Nelia B. Angeles, nagpositibo sa COVID-19.

Nagpositibo sa Covid 19 ang alkalde ng General Emilio Aguinaldo-Bailen, Cavite na si Mayor Nelia Bencito Angeles.
Sa Facebook post ng alkalde, natanggap nito ang resulta ng Covid 19 test kahapon March 31.  
Humihiling naman ng panalangin ang alkalde para sa kaniyang agarang paggaling kasama na ang iba pang mga nagpositibo sa virus.
Bagaman naka quarantine ay tiniyak naman ng alkalde na patuloy ang kanilang pagbibigay ng serbisyo sa publiko katuwang ang mga front liner sa kanilang bayan. 
Tuluy-tuloy din aniya ang ginagawang contact tracing sa kanilang bayan upang mapigilan ang local transmission ng COVID 19 at ang paghahanda para sa Vaccination rollout na inaasahang darating sa kanilang bayan sa susunod na linggo.
Gumagawa na rin ng mga hakbang ang LGU ng General Emilio Aguinaldo Cavite upang mahinto at mapabagal ang pagtaas ng kaso ng virus sa kanilang munisipalidad.  
Hinihingi na rin ng alkalde ang kooperasyon ng publiko, sa paraang patuloy na mag-ingat at sumunod sa lahat ng Health Protocols. Manatili sa mga tahanan lalo ngayong nasa ilalim ng ECQ ang Cavite province. 

photo courtesy: fb page/Mayor Nelia Angeles
Please follow and like us: