Mahigit 10,000 Medical frontliners sa Davao del Norte, nabakunahan na kontra Covid-19

Kabuuang 10,117 medical frontliners na ang nabakunahan kontra Covid-19 sa Davao del Norte.

Ito ay katumbas ng nasa 42% ng mga frontliners sa lalawigan.

Mula sa nasabing bilang, 4,496 ang nabakunahan ng Sinovac habang 5,621 naman ang nabakunahan sa Astrazeneca vaccine.

Panawagan ng nasabing probinsya na magpabakuna na lalong lalo na sa mga empleyado na palaging nasa mga pampublikong lugar.

Ronnie Belarmino, EBC Correspondent

Please follow and like us: