Guidelines ng mga Class suspensions di lamang dapat ibase sa mga Storm warning signals- Rep. Belaro
Kailangang magkaroon ng mas komprehensibo, mas malawak at malinaw na saklaw ang pagsususpinde ng klase.
Ito ang nilalaman ng House Bill 6072 na isinusulong ni “Ang Edukasyon” Partylist Representative Salvador Belaro.
Sa panayam ng Radyo Agila, tinukoy ni Belaro na masyadong limitado ang saklaw ng Executive Order no. 66 kung saan mga storm warning signals lamang ang nagiging basehan ng suspension of classes.
Ayon kay Belaro, hindi lamang mga bagyo ang maaaring maging sanhi ng pagsususpinde ng klase kundi iba pang mga kalamidad at sakuna kasama na ang habagat na nararanasan ngayon.
“Yang imitations ng suspension of classes ay base sa storm signals alone. kasi hindi lang naman storm signals ang nagpapahamak ng ating buhay ng ating mga estudyante at mga guro. May iba pang mga bagay gaya ng lindol, oil spilling, it could be a financial problem or any commotion. Ito yung mga bagay na should be left in a discretion of the authorities na kailangan evidence at scientific based ang pagdeklara ng suspension of classes”.
Samantala, sinabi ni Belaro na ang deklarasyon ng Class suspension ay dapat gawin lamang ng isang Central agency para maiwasan ang kalituhan.
“We are proposing that the DOST kasi ito yung ahensya na may saklaw sa Science hindi lamang sa storm,but the implementation should be localized. Hindi naman namin sinasabi na aalisin ang authority ng mga school officials but at least the mandate should be based on a central agency para iisa yung appreciation natin”.