Hiling ng UN Commission on Human Rights na imbestigahan ang mga patayan sa bansa matagal ng ginagawa ayon sa Malakanyang

Niliwanag ng Malakanyang na matagal nang ginagawa ng pamahalaan ang pag-iimbestiga sa mga nagaganap na patayan sa bansa kaugnay ng pinaigting na kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga.

Ito ang tugon ng Malakanyang sa apela ng United Nations Commission on Human Rights na imbestigahan ng gobyerno ang mga nagaganap na patayan o ang sinasabing extra judicial killings.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na mismong si PNP Chief Director General Ronald dela Rosa ang nag-utos sa mga imbestigador ng pulisya at ang mga napatunayang pulis na lumabag sa batas ay ipinagharap na ng kaso.

Ayon kay Abella lahat ng ginagawang paglaban ng pamahalaan sa salot na ilegal na droga ay dumadaan sa tamang proseso ng batas.

Ulat ni: Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *