Mighty Corporation at mga opisyal nito, sinampahan ng BIR ng panibagong ax evasion case sa DOJ

Umaabot na sa halos 36.5 billion pesos na utang sa buwis ang hinahabol ng gobyerno laban sa local tobacco firm na Mighty Corporation at mga opisyal nito dahil sa paggamit ng pekeng tax stamps sa mga produkto nitong sigarilyo.

Ito ay makaraang sampahan ng ikalawang tax evasion case ng BIRsa DOJ.

Ang Mighty Corporation at mga opisyal nito para sa 26.93 billion pesos na hindi nabayarang buwis.

Ayon sa BIR, ang panibagong reklamo ay nag-ugat sa raid sa warehouses ng Mighty Corporation sa San ildefonso, Bulacan kung saan nadiskubre ang pekeng tax stamps sa mga sigarilyo ng kumpanya.

Partikular na kinasuhan ng BIR ang Presidente ng Mighty Corporation na si retired AFP Lt. Gen. Edilberto Adan, Executive Vice President nito na si Judge Oscar P. Barrientos,  Vice President for External Affairs and Assistant Corporate Secretary Alexander Wongchuking at Treasurer na si Ernesto A. Victa.

Una nang sinampahan ng BIR ng mahigit siyam na bilyong piso na kasong tax evasion ang Mighty Corporation at mga opisyal nito noong Marso para naman sa nadiskubreng fake tax stamps sa warehouse ng kumpanya sa San Isidro, Pampanga.

Sinimulan na noong nakaraang linggo ng DOJ ang preliminary investigation sa naunang tax evasion complaint laban sa cigarette company.

Ulat ni: Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *