Hindi bababa sa siyam patay sa pagbagsak ng stage sa isang election rally sa Mexico

Members of the Mexican army guard the area where a stage collapsed during a campaign rally for Mexican presidential candidate Jorge Alvarez Maynez in San Pedro Garza Garcia, Nuevo Leon, Mexico, on May 22, 2024. – Five people died and 50 others were injured when a stage collapsed during a campaign rally for Mexican presidential candidate Jorge Alvarez Maynez, according to the state governor. (Photo by Julio Cesar AGUILAR / AFP)

Nauwi sa trahedya ang isang election rally sa northern Mexico matapos bumagsak sa mga tao ang isang stage bunsod ng malakas na hangin, sanhi upang mamatay ang hindi bababa sa siyam katao kabilang ang isang bata.

Hindi rin bababa sa 50 iba pa ang nasaktan sa aksidente na ang iba ay malubha, ayon kay Nuevo Leon Governor Samuel Garcia.

Sa isang footage ay makikita na nagkagulo ang mga tao habang may ibang tumalon mula sa bumabagsak na stage, at naglaglagan naman ang mga ilaw at isang higanteng screen kung saan nakatayo ang presidential candidate na si Jorge Alvarez Maynez at mga miyembro ng kaniyang Citizens’ Movement party, sa election rally sa bayan ng San Pedro Garza Garcia.

Sinabi ni Governor Garcia, “I regret to report that so far the number of people killed in the accident stands at eight adults and one minor, and at least three people were undergoing surgery.”

Ayon naman sa 38-anyos na si Maynez, na nakatakas at hindi nagtamo ng malubhang injury, “The stage collapsed after a strong gust of wind. I am fine and in communication with the authorities.”

Kuwento naman ni Jose Juan na dumalo sa rally, “I saw the structure come crashing down. It hit me on the head and I fainted. The rest was pure hysteria, pure panic.”

Sabi ng Citizen’s Movement member na si Javier Gonzalez-Alcantara, “First responders had to pull people trapped underneath the collapsed pavilion. All the people who were under the stage were rescued and the injured were taken to the hospitals.”

Una nang nagbabala ang meteorological service ng Mexico tungkol sa malakas na mga pag-ulan, at pagbugso ng hanging aabot ng hanggang 70 kilometro (43 milya) bawat oras, at posibleng tornadoes sa Nuevo Leon at iba pang mga estado sa hilaga.

Hinimok naman ni Governor Garcia ang mga tao na iwasang lumabas dahil sa bagyo.
Ang event ang siyang closing campaign rally para kay Citizens’ Movement San Pedro Garza Garcia mayoral candidate, Lorenia Canavati.

Lumahok din sa rally ang mga kandidato para sa centrist party para sa senate at local level.

Sinabi ni Maynez, na ilan sa miyembro ng kaniyang team ang tumanggap din ng medical treatment ngunit hindi na tinukoy ang tinamong injuries ng mga ito.

Sa kaniya namang post sa social media, ay ipinarating ni President Andres Manuel Lopez Obrador ang kaniyang pakikiramay sa mga miyembro ng pamilya at mga kaibigan ng mga namatay.

Maging ang dalawa pang presidential candidates ay nagpahayag din ng pakikiramay sa mga naapektuhan ng insidente.

Sa darating na June 2, ay boboto ang mga Mehikano para sa isang bagong pangulo at mga miyembro ng Kongreso, ilang state governors at local officials.

Ayon sa mga survey, si Maynez ay naungusan na kapwa ng frontrunner na si Claudia Sheinbaum at ng main opposition presidential candidate na si Xochitl Galvezni, kung saan pumangatlo lamang ito ilang linggo bago ang eleksiyon.

Ang mga araw bago ang halalan ay napuno ng mga karahasan, kung saan mahigit sa dalawang dosenang mga pulitiko na ang namatay mula nang mag-umpisa ang electoral process noong Setyembre, ayon sa research group na Data Civica.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *