House speaker Gloria Arroyo binati ng Malakanyang…. dating Speaker Pantaleon Alvarez, pinasalamatan naman ng Malakanyang

Nagpaabot ng pormal na pagbati ang Malakanyang kay bagong House speaker Gloria Macapagal Arroyo bilang kauna-unahang babaeng speaker ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na magagamit ni Speaker Arroyo ang kanyang kaalaman at kasanayan sa pamumuno bilang dating Presidente.

Ayon kay Roque umaasa ang Malakanyang na sa ilalim ni Speaker Arroyo ay maisusulong ang mga legislative agenda ng administrasyon.

Pinasalamatan naman ng Malakanyang si dating Speaker Pantaleon Alvarez dahil sa dalawang taong pamumuno sa Mababang kapulungan ng Kongreso.

Dahil dito umapela ang Malakanyang kina Arroyo at Alvarez na isantabi na ang hindi pagkakaunawaan ng maganap ang pagpapalit ng liderato ng Kamara at harapin na lang ang trabaho para sa kapakanan ng taumbayan.

 

Ulat ni Vic Somintac

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *