Senate minority block, naghain ng mosyon sa Korte Suprema na payagan si Senador De Lima na maging kinatawan sa kanilang petisyon laban sa pagkalas ng Pilipinas sa ICC

Muling naghain ng mosyon ang kampo ng Minority block sa Korte Suprema para igiit na payagan si Senador Leila de Lima na maging kinatawan kaugnay sa kanilang petisyon na kumukuwestiyon sa pagkalas ng Pilipinas sa Rome Statute.

Sa kanilang apat na pahinang manifestation with motion sinabi ng grupo ni Senate Minority Leader Frank Drilon na sasasang-ayunan nila ang lahat ng mga presentasyon, argumento at posisyon ni Sen Leila de Lima na kanyang gagawin sa kurso ng oral arguments.

Ayon kina Drilon, Senador Kiko Pangilinan, Bam Aquino, Risa Hontiveros at Sonny Trillanes IV hindi na sila magsusumite pa ng ibang argumento, petisyon at presentasyon kaugnay sa kanilang petisyon.

Noong nakaraang Hunyo 25 hiniling na ni de Lima sa Korte Suprema na payagan siyang personal na humarap sa mga oral arguments.

Giit pa ng mga minority senators, pinapayagan ng Korte Suprema na humarap ang mga petitioner sa mga mahistrado.

Nabatid na naghain na rin ng manifestation for furlough si de Lima sa Muntinlipa RTC Branches 205 at 206 para payagang makalabas ng PNP Custodial Center sa Camp Crame para makaharap sa Korte Suprema.

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *