Iba’t ibang human rights group magra-rally laban sa EJK sa Hunyo 12

0
ejk

Inanunsyo na ng ilang human rights group  na may plano silang mag rally sa June 12 kasabay ng paggunita sa Independence day.

Irereklamo nila ang extra judicial killings at human rights violation na nangyayari sa ilalim ng administrasyon Duterte.

Binubuo ito ng iba’t ibang grupo na nagbabalak ipaalam sa gobyerno na dapat nang  itigil ang mga pagpatay sa mga drug suspect at mga rebelde.

Sa ilalim ng temang “Stop the Killings, Defend Human Rights,” na isasagawa sa Rajah Sulayman Park sa Malate, Maynila,sa ganap na alas kwatro ng hapon na susundan ng isang protest rally.

Ayon pa sa grupo, bukod sa 7,000 na napatay na drug suspect, mayroon ding 55 na mula sa peasant and indigenous people organization ang napatay ng suspected authorities at vigilante groups.

Ulat ni: Carl Marx Bernardo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *