Ilang kongresista umapela kay Pang. Duterte na iligtas ang pinay na nasa death row sa UAE

Umapela ang mga kinatawan ng Gabriela Partylist kay Pangulong Duterte na patutukan ang pagliligtas sa OFW na si Jennifer Aregado Dalquez na nasa death row sa United Arab Emirates.

Kaugnay nito, naghain ng resolusyon sina Gabriela Reps. Emmi de Jesus at Arlene Brosas para bigyang diin ang apela para mailigtas ang buhay ni Dalquez.

Si Dalquez ay biktima ng tangkang panghahalay at aksidente nitong napatay ang nagtangkang magsamantala sa kanya.

Nakatakdang patawan ng parusang kamatayan si Dalquez ngayong 2017.

2012 nang magtrabaho si Dalquez sa UAE bilang domestic helper.

Huling nakausap ni Dalquez ang kanyang magulang nang tumawag ito noong Enero para ipabatid na nakatakdang ilabas ang desisyon sa apela sa kanyang kaso sa mga darating na araw.

Ulat ni : Madelyn Villar – Moratillo

Please follow and like us: