Mga korte sa Quirino, Abra, at Santiago City, pisikal na sarado rin hanggang sa Abril 18

Bukod sa mga korte sa NCR Plus, pansamantalang sarado rin ang mga hukuman sa Quirino, Abra, at Santiago City hanggang sa Abril 18.

Ito ay makaraang isailalim rin ang mga nasabing lugar sa MECQ.

Sa sirkular na inisyu ni Court Administrator Jose Midas Marquez, sinabi na pinalawig ang sakop na mga korte ng administrative circular na inisyu ni Chief Justice Alexander Gesmundo na naguutos ng pisikal na pagsasara ng mga hukuman sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal dahil sa patuloy na pagtaas ng COVID-19 cases.

Alinsunod sa nasabing administrative circular, dapat na mag-operate sa pamamagitan ng videoconferencing hanggat maaari ang mga korte habang pisikal na sarado.

Pinapayagan din na magsagawa ang mga hukom ng fully remote videconferencing hearings sa mga pending na kaso.

Kinakailangan naman na may skeleton staff sa mga essential judicial offices para tumugon sa mga urgent matters.

Moira Encina

Please follow and like us: