Imbestigasyon sa pagkahulog ng bus sa N. E, nagpapatuloy

Ipinagpatuloy ngayon ng Nueva Ecija PNP ang imbestigasyon sa bus na nahulog sa bangin sa Carranglan.

Ayon kay Nueva Ecija Police Provincial Director Senior Supt. Antonio Yarra, muling bumalik sa bus crash site ang mga imbestigador .

Sinabi pa  ni Yarra na ipo-proseso ngayon ang accident site kasama ang mga tauhan ngLTFRB at PDRRMO ng Nueva Ecija para hanapin kung may mga posibleng casualties na hindi pa narekober kagabi.

Ayon sa opisyal, batay sa mga pahayag ng ilang mga survivor, normal naman ang takbo nila habang binabaybay ang highway ng bigla na lamang sumabog ang kanang gulong sa unahang bahagi ng bus at nawalan ito ng preno.

May ilan ding nagsabi na sumigaw pa ang driver na nawalan na sila  ng preno at dito na nahulog sa bangin ang bus.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *