Malacanang nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng mga biktima sa naganap na trahedya sa N.E

Nagpaabot na  ng pakikiramay ang Malacañang sa pamilya ng mga nasawing pasahero ng bus na nahulog sa banging sa Carranglan, Nueva Ecija.

Sa ngayon ay umabot na sa 32 ang bilang ng mga nasawi sa nasabing aksidente.

Sinabi ni  Presidential Spokesperson Ernesto Abella, tiniyak niya sa mga nagluluksang pamilya na mananagot ang mga dapat managot sa nasabing aksidente.

Kahapon ng umaga nahulog sa bangin ang Leomarick Trans Bus sa Sitio Nursery, Barangay Capintalan,Bayan ng Carranglan.

Nahirapan ang mga otoridad na sumaklolo at rumesponde sa aksidente dahil sa sobrang tarik ng bangin, kaya’t ang ilang sugatang biktima ay nasawi rin habang kanilang iniaakyat.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *