Impeachment complaint vs. Duterte suntok sa buwan – Aguirre

Suntok sa buwan ang impeachment complaint laban kay Pangulong Duterte na inihain sa Kamara.

Ito ang reaksyon ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II sa reklamong isinampa ni Magdalo Partylist Representative Gary Alejano.

Sinabi ni Aguirre na walang patutunguhan ang nasabing reklamo laban sa Presidente dahil wala itong factual at legal basis.

Hindi rin aniya ito suportado ng matibay na ebidensya para pagbatayan ng grounds for impeachment.

Sa ilalim ng 1987 Constitution, ang grounds for impeachment ay ang culpable violation of the Constitution, treason, bribery, graft and corruption, other high crimes, at betrayal of public trust.

Ulat ni : Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published.