Indonesia, ‘all set’ na raw para sa 2018 Asian Games hosting

 

Nakahanda na  ang Indonesia  para sa pag-host ng 2018 Asian games.

Inaasahang magtutungo sa mga siyudad ng Jakarta at Palembang sa isla ng Sumatra ang nasa 11,000 atleta at 5,000 officials mula sa 45 bansa sa Asya para sa  Asian games na magbubukas  sa Agosto 18.

Ayon sa mga opisyal, sakaling magkaroon ng problema sa kasagsagan ng palaro ay kaagad nila itong reresolbahin.

Nasa 70 porsyento na rin umano ang naibebentang ticket para sa opening ceremony na idaraos sa Indonesian capital na Jakarta.

Nagkakaroon na rin aniya ng magandang bunga ang implementasyon ng odd-even license plate system, sa kabila ng mga pangamba sa problema ng trapiko sa kabisera ng bansa.

Magpapakalat din ng 40,000 sundalo at pulis sa dalawang siyudad na pagdarausan ng iba’t-ibang events.

Matatandaang noong naging host ang Indonesia ng 2011 Sea Games ay namatay ang dalawang  tao dahil sa stampede sa isang football finals sa Jakarta.

Habang ginambala naman noong Mayo ng isang terror attack ang lungsod ng Surabaya matapos kimitil ng 13 buhay ang nangyaring suicide bombing sa lugar.

 

===========

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *